INC, nagsampa ng kasong libelo laban sa isa sa mga itinawalag na ministro nito




(Eagle News) — Sinampahan na ng kasong libelo ng Iglesia Ni Cristo ang isang itinawalag na ministro nito na si Isaias Samson Jr., dahil sa mga alegasyon nitong illegal detention and torture sa ilan nitong miyembro.

Sa anim na pahinang reklamo na inihain sa Quezon City Prosecutor’s Office, sinabi ni INC legal counsel  head Glicerio Santos IV na  ang ibinibintang ni Samson laban sa Iglesia Ni Cristo  ay pambabastos at mapanirang puri.

Si Isaias Samson Jr., isa sa mga itinawalag na ministro kamakailan ng Iglesia Ni Cristo, ay kinasuhan na ng INC ng libelo. (Eagle News Service)
Si Isaias Samson Jr., isa sa mga itinawalag na ministro kamakailan ng Iglesia Ni Cristo, ay kinasuhan na ng INC ng libelo. (Eagle News Service)

Ayon kay Santos, ang mga pahayag ni Samson, na isang dating editor-in-chief ng Pasugo magazine ng INC, ay sumisira sa reputasyon ng INC.

Hiniling din ng INC legal department, na mag-isyu ng lookout bulletin laban kay Samson  na umano’y nagbabalak na umalis ng bansa.