INC lawyers, magsasampa ng mosyon sa korte vs Lottie Hemedez at abogado nito dahil sa pagsisinungaling

Motion for reconsideration with motion to repudiate the agreement dahil sa ginawang pagsisinungaling sa korte ni Atty. Trixie Angeles at ng kaniyang kliyente na si Ginang Lottie Manalo-Hemedez ang isasampa ng mga abogado ng Iglesia Ni Cristo.

Sa isinagawa kasing pagdinig sa injunction case noong Miyerkules ng hapon, sinabi ni Ginang Lottie sa pamamagitan ng kaniyang abogado na lumipat na lang sila ng bakod dahil may harang na ang kaniyang bahay at ang bahay ni Mr. Angel Manalo pero sa isinagawang inspeksyon kasama ang court sheriff ay napatunayan na wala namang harang na bakod.