Ikalimang linggo ng oil price rollback epektibo na ngayong araw

(Eagle News) — Nagpatupad ng big-time price roll back ang mga kumpanya ng langis.
Simula kaninang alas-6 ng umaga, ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Kabilang sa mga nagbaba ng presyo ay ang Metro Oil, Petrogazz, at Phoenix Petroleum na may Php 2.50 rollback sa kada litro ng gasolina, at Php 2.00 kada litro para naman sa diesel.

Php 2.30 naman ang kaltas ng Caltex, Eastern Petroleun, Jetti, PTT, Flying V, Seaoil at Shell para sa kanilang gasolina.
Mababawasan din ng Php 1.85 ang presyo ng bawat litro kerosene.

https://youtu.be/g4D9hGSDhgI