Blood donation, isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Bataan

photo_2017-05-13_15-17-18 photo_2017-05-13_15-17-19 photo_2017-05-13_15-17-23 photo_2017-05-13_15-17-20 photo_2017-05-13_15-17-23 (2) photo_2017-05-13_15-17-21 photo_2017-05-13_15-17-22 photo_2017-05-13_15-17-24

BALANGA City, Bataan (Eagle News) — Nagsagawa ng blood donation ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Bataan nitong Sabado, ika-13 ng Mayo.

Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ni District Minister Bro. Manuel Soriano, Jr. sa covered court ng Bataan National High School sa Balanga.

Mahigit 200, o 299, ang kabuuang nagparegister, at 193 ang pumasa sa screening at nakapagdonate ng dugo.

Bawat isa sa 193 katao ay nagdonate ng tig-450cc na dugo.

Sa kabuuan ay nakakuha ng 86,850 cc na dugo, na pakikinabangan ng Philippine Children’s Medical Center.

(Eagle News Correspondent Josie Martinez)