Ilang personalidad na nagdidiin kay De Lima, kakasuhan daw ng senadora

MANILA, Philippines (Eagle News) — Magsasampa rin si Senadora Leila De Lima ng kontra demanda laban sa mga personalidad na patuloy na umaatake sa kanya na pilit na nagdadawit sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Sa harap ito ng rekomendasyon ng kamara na makasuhan sya matapos ang imbestigasyon sa umanoy drug operations sa NBP.

Pero ayon kay De Lima, buo na ang kaniyang legal team na sasagot sa mga ibinibintang na kaso laban sa kanya.

Tumanggi muna si De Lima na isapubliko kung sinu-sino ang bumubuo ng kanyang legal team, pero halos lahat daw ito ay mga nag-volunteer para tulungan sya.

Kasama sa kakasuhan ng senador, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte.