FDA nagbabala ukol sa hindi rehistradong anti-rabies vaccine

(Eagle News) — Naglabas ng babala sa publiko ang Food and Drugs Administration (FDA) kasunod ng rekomendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III laban sa “verorab,” isang anti-rabies vaccine na maaari umanong maglagay sa panganib sa buhay ng sinumang matuturukan nito.

Ang hindi rehistradong gamot na orihinal na gawa ng Sanofi Pasteur, ay wala umanong label ng FDA-licensed Philippine importer at distributor; FDA registration number ; RX symbol; paalala mula sa FDA at wala ring barcode.

Kasabay nito ay inalerto na rin ng FDA ang mga ospital at lahat ng local government units (LGUs) na tiyaking hindi ito maipamamahagi o maibebenta.

Nagbabala din ang FDA sa mga nagbebenta ng nasabing gamot na maaari silang mapatawan ng parusa.