Eagle Broadcasting Corporation, nakiisa sa Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Naki-isa ang Eagle Broadcasting Corporation sa malaking gawain para sa propagasyon ng Iglesia Ni Cristo.

Nag-anyaya ng mga panauhin ang mga kawani ng EBC kaugnay ng isinagawang Lingap-Pamamahayag sa Templo, Central na pinangasiwaan ng kapatid na Glicerio Santos, Jr, Ministro ng Ebanghelyo.

Bahagi ito ng pakiki-isa ng EBC sa puspusang gawaing Pagpapalaganap upang ipakilala ang Iglesia Ni Cristo sa mga kababayan.

Una na ring nakibahagi ang mga boluntaryong kawani sa Tanggapang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na nagresulta sa maraming mga anyaya na nagpasyang magpatuloy sa pakikinig at maging kaanib sa INC.

Bumuhos man ang ulan, hindi pa rin nahadlangan ang mga kawani ng ebc para sa pakikibahagi sa pag-a-anyaya ng mga panauhin.

Pagkatapos ng Pamamahayag, ipinagkaloob sa mga panauhin ang mga inihandang munting ala-ala na bahagi ng Lingap-Pamamahayag.