Duterte SONA: Unang SONA na walang karahasan – NCPRO

QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ay unang SONA rin sa kasaysayan na walang karahasan.

Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, mapayapa ang SONA at walang bayolenteng insidente sa pagitan ng pulisya at mga raliyista.

Sinabi rin ng opsiyal na ikina-lugod ng mga raliyista ang pagpa-pahintulot ng pangulo na gawin ang kanilang programa malapit sa Batasan Pambansa Complex.

Bago ang SONA, lumapit si Philippine National Police General Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga raliyista at nakipag-usap kay bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes Jr.