DOTR, nagbabala laban sa unofficial LTO Facebook page na nag-aalok ng online services

(Eagle News) — Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga motorista laban sa pekeng Land Transportation Office (LTO) social media page na umano’y nag-aalok ng serbisyo sa pamamagitan ng online transactions.

Ayon sa DOTr, ang page na ‘Land Transportation Office License Division,’ ay hindi ang official account ng LTO.

Scammer anila ang nasabing page.

Sabi ng DOTr, ang LTO ay hindi nakikipag-transaksyon sa pamamagitan ng courier o SMS at hindi rin tumatanggap ng payments sa pamamagitan ng remittance platform na Smart padala.

Kabilang sa mga serbisyong iniaalok ng nasabing scam page ay ang plate printing, registration at paglalabas ng driver’s license.

Mayroong mahigit apatnalibong followers’ ang pekeng page ng LTO.

Umapela ang DOTr sa publiko na makipag-transaksyon lamang sa mga tanggapan ng LTO at i-report ang nasabing pekeng account sa web administrators.

https://youtu.be/aKfA1vhnaGU