DOJ probe, ‘di maiimpluwensyahan ni Pangulong Duterte – Sec. Aguirre

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi maiimpluwensyahan kahit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon ng DOJ panel sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa.

Ito ay sa harap ng pagkampi ni Duterte sa mga pulis na nakapatay kay espinosa sa kulungan at sa pahayag nito na hindi siya papayag na makulong ang  mga ito.

Sinabi ni Aguirre na hindi nakikialam sa kaso ang Pangulo at hindi siya inuutusan nito kung ano ang dapat gawin sa kaso.

https://youtu.be/7chZR3ehk2A