Diskusyon- “Mahalaga Ang Buhay, Iwasan ang Paputok”

Sa twing sasapit ang pagtatapos ng taon, nakaugalian na ng marami nating mga kababayan na salubungin ito sa pamamagitan ng ingay at paggamit ng mga paputok. Kasabay naman nito ay madalas na humahantong ito sa mga disgrasya, nariyan na nga ang mga naputulan ng kamay, mayroong nabulag at ang masakit sa lahat ay humantong pa sa pagkasawi ng ilan.
Nagdudulot din ang nasabing mga paputok ng pinsala sa kalusugan lalo na sa ating respiratory organs.
Ngayong taon, nagsanib pwersa ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan pati na ang iba’t-ibang sektor sa kampanya kontra paputok.