Coffee Shop ng broadcaster na si Anthony Taberna, pinagbabaril sa QC

AUGUST 28 (Agila Probinsya) — Pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ang Ka Tunying’s Café na pag-aari ng mamamahayag na si Anthony Taberna sa Quezon City.

Alas-dos kaninang madaling araw nang pagbabarilin ng apat na naka-motorsiklong suspek ang gusali.

Walong kalibre .45 mm bala ng baril ang tumama sa establisyamento ni taberna habang 15 basyo ang natagpuan sa paligid nito.

Tumagos pa ang ilang sa mga bala sa opisina ng coffee shop.

Napilitan namang dumapa na lang at huwag manlaban ang guwardiya na nasa loob ng gusali.

Walang nakikita si Taberna na ibang motibo sa insidente bukod sa intensyong sindakin siya ng mga nasa likod nito.

Dalawa sa apat na suspek ang nahagip ng CCTV camera sa lugar.

Sinusuri na ng pulisya kung mapalilinaw ang footage upang makilala ang mga suspek.