CHR, nanindigang ‘di kailangan ang martial law para labanan ang lawlessness sa Mindanao

(Eagle News) — Nanindigan ang Commission on Human Rights (CHR) na hindi na kinakailangan ng martial law para matugunan ang acts of lawlessness sa Mindanao.

Ayon sa CHR, pinapanatili nila ang kanilang posisyon na ang sektor ng seguridad sa ating bansa ay kaya ng matugunan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines ang acts of lawlessness at hindi na kailangan ng martial law.

“The CHR has taken a position from the first instance when the Marawi siege had began in May 2017 that it believes that the government has the ability to exercise law enforcement powers of martial law and more so now that the martial law administrators have asserted that the Maute threat that prompted the declaration has been quelled,” pahayag ni CHR Chairperson Chito Gascon.

“There is a danger in ‘normalization’ of martial law,” dagdag pahayag nito.

Sa ilalim ng 1987 constitution, ang Pangulo ay maaari lamang mag-deklara ng martial law sa mga kaso ng rebellion, invasion o kapag kinakailangan para sa kaligtasan ng publiko.

Sa implementasyon ng martial law ay pinapayagan ang mga otoridad na arestuhin ang mga hinihinalang rebelde o kriminal kahit walang warrant at dapat kasuhan sa loob ng tatlong araw.

Kapag bigo ang mga otoridad na sampahan ng kaso ang mga suspek sa loob ng tatlong araw ay dapat nang palayain ang mga ito.

https://youtu.be/UGLqWg3h9ts