Bagong gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo, pinasinayaan

MAMBUSAO, Capiz (Eagle News) – Pinasinayaan ang isa na namang bagong gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo sa Lalawigan ng Capiz na matatagpuan sa Brgy. Caiduquid, Mambusao, Capiz. Pinangunahan ang pagpapasinaya ni Bro. Jose Pascua, District Supervising Minister ng Capiz. Dinaluhan ito ng mga kaanib ng INC na nagmula pa sa iba’t ibang lokal ng nasabing distrito.

Nagpapasalamat din sila kay INC Exeutive Minister Bro. Eduardo V. Manalo sa patuloy na pagmamalakasit nito sa buong Iglesia. Ang pangako ng mga kaanib ng INC sa dakong ito ay patuloy nilang pangangalagaan ang nasabing gusaling sambahan upang manatili ang kagandahan nito.

Courtesy: Eagle News Capiz Correspondents