Angara, umapila sa mga kapwa mambabatas na iprioridad ang pagtalakay sa Tax Reform System

MANILA, Philippines (Eagle News) — Umapela si Senador Sonny Angara sa kanyang mga kapwa mambabatas sa Senado at Kamara na samantalahin ang pagkakataon para talakayin at ipasa ang Tax Reform System.

Ayon kay Senador Angara,  ipapa-prioritize nya ang panukala sakaling muli syang matalagang Chairman ng Senate Committee on Ways and Means.

Pero paalala ni Angara , kailangan din ang mabilisang pagkilos ng mga kongresista.

Batay  aniya sa konstitusyon, sa Kamara dapat magsimulang talakayin at ipasa ang anumang panukalang batas na may kinalaman sa sistema ng pagbubuwis sa bansa.

https://youtu.be/CX70DmtaBpE