97% ng mga ahensya ng gobyerno, nakapag-comply na sa FOI program – Sec. Andanar

(Eagle News) — Nasa 97 percent na ng mga ahensya ng gobyerno ang nakapag-enrol na sa Freedom Of Information (FOI) program.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ang ilan sa mga local government unit mula sa Ilocos Norte, Mindoro at Mindanao, maging sa Angeles City at mga local water utility, ay nagboluntaryo na lumahok sa foi program.

Ang PCOO aniya ay nagtutungo sa mga iba’t-ibang lugar sa bansa para sanayin ang mga ahensya ng gobyerno kung paano mapalalakas ang implementasyon ng operasyon ng FOI.

July 23, 2016 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order Number 02 na nagtatatag sa kauna-unahang FOI program sa bansa.

Saklaw nito ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa ilalim ng ehekutibo maging ang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) at state universities and colleges (SUCs).