79 % ng Filipino Muslims, pabor sa pag-apruba ng BOL – SWS

(Eagle News) — Napakaraming Pilipinong Muslim sa bansa ang pabor na maipasa ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS), noong Disyembre, lumitaw na 79 % ng Muslim ang pabor na maaprubahan na ang BOL.

Para sa mga Muslim na hindi pabor sa pag-apruba ng BOL, 3 percent ang tutol rito habang 14 percent naman ang undecided.

Samantala, lumitaw naman na 78 percent ng Pilipinong Muslim ang may kaalaman higgil sa BOL, 10 percent sa mga ito ang nagsabing extensive ang kanilang kaalaman sa BOL, habang 35 percent ang nagsabing partial at 33 percent sa mga ito ang nagsabing kaunti lamang ang kanilang kaalaman sa BOL.

https://youtu.be/2P1n2go-XjY