2 patay, 40 naospital dahil sa red tide

(Eagle News) — Dalawang residente ng Biliran ang kumpirmadong nasawi, habang 40 iba pa ang isinugod sa ospital matapos makakain ng mga lamang dagat na apektado ng red tide.

Ayon sa mga opisyal ng Department of Health (DOH), isang 81 anyos na lola at 13 anyos na binatilyo na pawang mga residente ng Brgy. Cabucgayan at Brgy. Kawayan ang nasawi matapos malason.

Nakaranas umano ng pananakit ng tiyan, diarrhea at pagsusuka ang mga biktima matapos kumain ng tahong na inani sa mga lugar na positibo sa red tide toxin.