Roxas, naglabas ng kopya ng umano’y bank account ni Duterte

Eagle News — Naglabas ng mga ebidensya si Presidential candidate Mar Roxas ukol sa umanoy bank account  ni Duterte na naglalaman  ng 211 million pesos

Ayon kay Roxas isang concerned citizen na nagdeposito ng limangdaang piso sa naturang bank account number sa isang BPI branch sa  Alabang Town Center ngayong araw upang kumpirmahin ang pangalan ng nagmamay-ari nito

Nakumpirmang nasa pangalan ito ni Mayor Rodrigo Duterte at ng anak nitong si Zara Duterte.

Una nang itinanggi ni Duterte ang naturang bank account number at sinabing patunayan ang mga paratang sa kaniya.

Lumabas aniya sa computer-generated account slip ang bank account name na nakapangalan kay Mayor Rodrigo Duterte at Zara Duterte

Ani pa ni Roxas nagsisinungaling na naman si Duterte nang sabihin nitong non-existent at fabrication lamang daw ang naturang isyu.

Related Post

This website uses cookies.