Rep. Bertiz, naghain ng resolusyon para maimbestigahan siya sa NAIA incident

(Eagle News) — Naghain ng resolusyon si ACTS OFW Partylist Representative John Bertiz na humihimok na magkaroon ng imbestigasyon sa insidente na kanyang kinasasangkutan kamakailan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa House Resolution No. 2212 na inihain ng mambabatas, hinimok nito ang Committee on Ethics na imbestigahan ang insidente sa NAIA.

Una nang umani ng batikos ang mambabatas partikular ang CCTV footage ng NAIA kung saan nakipag-talo ito sa security personnel ng NAIA dahil sa hindi nito pagtanggal ng sapatos na bahagi ng security protocol.

Nakatakda bukas ang pagpupulong ng Committee on Ethics para pag-usapan ang insidente na kinasasangkutan ni  Bertiz.

Related Post

This website uses cookies.