Pagpapalaya sa political prisoners di tatalikuran – Bello

(Eagle News) — Tiwala si Government Peace Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello na hindi tatalikuran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nitong pagpapalaya sa ilan pang political detainees.

Ayon kay Bello, kailangang magtiwala sa Pangulo na kaya nitong gawin ang ipinangakong kalayaan sa mga political prisoner partikular ang mga matatanda at may sakit.

Aniya, nakiusap si Bello sa rebeldeng grupo na maghintay-hintay lamang para mabigyan ng sapat na panahon ang Pangulo na tuparin ang kanyang pangako.

Una nang iginiit ng CPP-NPA-NDF na mapalaya ang higit 400 mga political prisoner kasunod na rin ng muling paggulong ng usaping pangkapayapaan sa gobyerno.

Related Post

This website uses cookies.