Information drive sa panukalang federal constitution, pangungunahan ni Pangulong Duterte

(Eagle News) — Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisimula ng information drive sa panukalang federal constitution.

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa huling sesyon ng consultative committee o Con-Com na bumalangkas sa federal charter.

Gayunman, wala pang impormasyon kung kailan ilulunsad ng Con-Com ang information campaign.

Kabilang ang pagtatatag ng Federalismo kapalit ng kasalukuyang sistema ng gobyerno sa mga ipinangako ni Duterte noong 2016 presidential campaign.

Related Post

This website uses cookies.