(Eagle News) — Pinabulaanan ng National Food Authority (NFA) sa Region 8 ang alegasyon na mayroong mga pekeng bigas sa Eastern Samar.
Kasunod ito ng reklamo ng isang restaurant owner matapos diumano itong makabili ng saku-sakong pekeng bigas.
Ayon kay NFA-Region 8 director Bobby Trabajo, matapos matanggap ang naturang reklamo ay agad nag-imbestiga ang kanilang tanggapan.
Batay sa kanilang imbestigasyon, ay negatibo na mayroong pekeng bigas.
Posible umano na nag-panic lang ang mga tao lalo pa’t talamak ang balita kaugnay sa fake rice.
Paglilinaw ni Trabajo, isasailalim uli sa straining method ang bigas at ipapadala sa NFA head office.