Malacañang sa mga ahensya ng Pamahalaan: Tumulong sa pagdaraos ng Miss Universe beauty pageant

MANILA, Philippines (Eagle News) — Naglabas ng Memorandum Circular ang Malakanyang para himukin ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na suportahan ang pagdaraos ng Miss Universe beauty pageant sa bansa ngayong buwan.

Batay sa Memorandum Circular Number 13 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea,  lahat ng ahensiya ng pamahalaan kasama na ang mga Local Government Unit o LGUs ay dapat magbigay ng suporta sa Department of Tourism na siyang lead agency na mangangasiwa sa pagdaraos ng Miss Universe beauty pageant.

Laman din ng Memorandum Circular na mahigpit ang tagubilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat gamitin ang pondo ng pamahalaan para sa nasabing pandaigdigang kompetisyon.

Nais samantalahin ng gobyerno ang pagdaraos sa bansa ng Miss Universe na ma-i-promote ang turismo sa bansa.

Related Post

This website uses cookies.