Malacañang: Pangulong Duterte at MILF Chairman Ibrahim, magpupulong sa linggong ito

(Eagle News) — Nakatakdang magpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Alhaj Murrad Ibrahim sa linggong ito.

Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na magkikita sina Pangulong Duterte at MILF chairman Ibrahim para talakayin ang implementing rules and regulations o IRR ng Bangsamoro Organic Law.

Ayon kay Secretary Go, hindi pa niya makumpirma kung sa Malacañang o sa Mindanao gaganapin ang gagawing pulong ng Pangulo at liderato ng MILF.

Inihayag ni Secretary Go na nakatakda ring kausapin ng Pangulo si MNLF Chairman Nur Misuari para ayusin ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil sa pagpapatupad ng BOL. (Vic Somintac)

Related Post

This website uses cookies.