Mahigit 300 na bagong PNP Recruits sa Davao, nanumpa na

DAVAO CITY (Eagle News) – Mahigit 300 na panibagong batch ng Police Regional Office 11 recruits ang nanumpa upang magsilbi at protektahan ang bayan. Isinagawa ang panunumpa noong Miyerkules, Pebrero 1 sa PRO 11 Camp Quintin Merecido, Davao City.

Ang ahensya ay may quota na 600 recruits upang mapuno ang Calendar Year 2017 Attrition Recruitment Program Phase 1. Subalit 389 lamang ang nakapasa sa standard qualifications na kung saan 120 ang babae at 269 naman ang lalake.

Ang mga nasabing recruit ay sumailalim aniya sa masusing screening process at tumugon sa lahat ng requirements na hinahanap ng Regional Screening Committee. Ayon naman kay Regional Director PCSupt Manuel Gaerlan, dapat umano silang maging totoo sa kanilang sinumpaan upang makapag-silbi at maprotektahan ang taong bayan. Paalala din niya na huwag abusuhin ang naipagkaloob na pribilehiyo.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

Related Post

This website uses cookies.