MANILA, Philippines (Eagle News) — Malaki ang teyorya ni Justice Secretary Vitallano Aguirre II na ginamit ang kaso ng Korean businessman upang idiskaril ang programa ng Duterte Administration sa “war on drugs.”
Isa aniya rito ang pahayag ng pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-joo, ang isyu ng kambal plaka sa pickup truck ni SPO3 Ricky Sta. Isabel, maging ang pagpapatakas sa katulong ng south Korean national na sa halip na patayin binigyan pa ng perang pamasahe.