Dredging sa Zambales hindi illegal – Governor Deloso

(Eagle News) — Pinabulaanan ni Zambales Governor Amor Deloso ang paratang ni Secretary Gina Lopez na walang kaukulang dokumento ang mga kompanyang nagsasagawa ng dredging sa Zambales.

Sa panayam ng Agila 1062, nilinaw ni Deloso na may pahintulot niya ang isinasagawang dredging sa mga ilog na tinabunan ng lahar kaya ito ay legal.

Aniya may mga permit at Environmental Compliance Certificates (ECC) ang mga dredging company at dumaan sa tamang proseso ang lahat bago niya pahintulutang makapag operate ang mga ito .

“It is my right! A supreme right karapatan ko yan, ang akin kasi dito masyado kasi silang namimilosopo masyado silang technical. I’m concentrating on the survival of the people on my province, the highest role is the welfare of my town, so anong technicality na gusto nila pag binigyan sila ng permit ng governor they have to execute,” pahayag ni Deloso

Dagdag pa ni Deloso kapag hindi naging maayos ang operasyon ng isang dredging company ay agad niyang inaalisan ng permit.

Paglilinaw pa ni Deloso walang ginagastos ang pamahalaang lokal ng Zambales sa isinasagawang dredging sa kanyang nasasakupan.

Related Post

This website uses cookies.