Quarrying o dredging, makatutulong sa kapaligiran kung planado — PHIVOLCS Dir. Solidum

(Eagle News) — Makatutulong sa kapaligiran ang quarrying o dredging kung ito ay planado.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum, nakasasama lamang sa kapaligiran ang quarrying kung ito ay walang kontrol.

Paliwanag ni Solidum, sa halip na tuluy-tuloy ang pagdaloy ng tubig papuntang dagat, napeperwisyo ang river banks dahil sa uncontrolled quarrying at nagiging sanhi ng paglusot ng baha sa ilang mga lugar.

“Yung isang quarrying ay pag-ukab ng mga gilid ng bundok. Iyon ay delikado kung hindi planado. Kasi minsan yung mga cracks o yung tinatawag naming fishers, kung yung fishers mo ay ang direksyon ay parallel o pareho nung slope ng isang bundok kung saan sya tumatagilid ay kapag inukab mo yung ilalim, parang nakabitin ngayon yung mga crack at kailangan mo na lang ng ulan o lindol para upang bumagsak yung mga nakabitin na bato,” pahayag ni Solidum.

Related Post

This website uses cookies.