Dalawang bus ng Dimple Star sa Aklan, nasunog

Alan Gementiza/Eagle News Service/

Ni Alan Gementiza
Eagle News Service

NABAS, Aklan – Dalawang bus ng Dimple Star ang nasunog sa parking area ng mga ito sa Aklan nitong Lunes.

Agad namang rumesponde ang Ibajay Bureau of Fire Protection (BFP) sa insidente na nangyari bandang alas 10:00 ng umaga, at tumupok sa mga ari-arian na nagkakahalagang P400,000.

Ayon kay FO1 Raymond Luce, hindi pa matukoy kung ano ang dahilan ng nasabing sunog.

Nalagay ngayon sa kontrobersiya ang Dimple Star dahil sa pagkahulog ng isa sa mga bus nito sa Sablayan, Mindoro kamakailan na ikinasawi ng 19 at ikinasugat ng iba pa.

 

Related Post

This website uses cookies.