Blood donation activity pinangunahan ng mga miyembro ng INC

MUNTINLUPA CITY (Eagle News) – Nagsagawa ng Blood Donation Activity ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Muntinlupa City noong Sabado, November 19, 2016. Ito ay kanilang isinagawa sa Muntinlupa Sports Complex.

Naging matagumpay ang nasabing aktibidad na pinangunahan ng INC Social Services Office at sa pakikipagtulungan ng National Kidney Transplant Institute. Umabot sa 38 bags ng dugo ang nalikom mula sa mga miyembro ng INC na kusang loob na nag-donate ng dugo sa layuning makatulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga mahihirap nating kababayan.

Ric Ramirez – EBC Correspondent, Muntinlupa City

Related Post

This website uses cookies.