(Eagle News) — Kokonsultahin ni dating pangulong Benigno Aquino III ang kanyang mga abugado hinggil sa Mamasapano incident. Ayon kay Aquino, hindi muna siya maglalabas ng pahayag sa ngayon pero asahan na raw ang paglalabas ng statement mula sa kanyang kampo.
Una nang kinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang partisipasyon ni Aquino sa pumalpak na operasyon na nagresulta sa pagkasawi ng apatnaput apat na miyembro ng Special Action Force.
Sabi ng Pangulo, kailangang masagot ni Aquino ang mga naiwan pang tanong upang magkaroon ng linaw ang isyu.