Aktibidad na “Isang Puno Isang Dingaleño,” pinangunahan ng lokal ng pamahalaan ng Dingalan, Aurora

DINGALAN, Aurora (Eagle News) – Sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Premier Medical Center ay isinagawa ang tree planting activity sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Dingalan, Aurora. Isinagawa ito sa Kabundukan ng Brgy. Tanawan, Dingalan, Aurora noong Nobyembre 5.

Ang tema ng aktibidad ay “Isang Puno Isang Dingaleno”. Kaya ang bawat isang taga-Dingalan ay dapat magtanim ng isang puno. Bahagi ng proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Dingalan ukol sa pag-iingat sa kalikasan. layunin din nito ay upang maiwasan ang pinsala na dulot ng pagguho ng lupa dahil nauubosna ang mga puno sa kabundukan.

Eman Celestino – EBC Correspondent, Dingalan, Aurora

Related Post

This website uses cookies.