Walang Pilipinong casualty sa Texas shooting – DFA

(Eagle News) — Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa nangyaring pamamaril sa San Antonio, Texas nitong weekend na ikinasawi ng dalawampu’t anim na katao.

Dalawampung katao rin ang nasugatan sa nasabing insidente na naganap sa maliit na bayan ng Sutherland Springs sa labas ng San Antonio.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, nasa pitong libo at apatnaraang Pilipino ang nasa San Antonio pero walang napaulat na nadamay sa insidente.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa pamilya ng mga biktima.

Related Post

This website uses cookies.