Walang nasawi sa EPZA fire incident – Gov. Remulla

(Eagle News) — Binawi ni Cavite Governor “Boying” Remulla ang kanyang naunang pahayag na may namatay na sa sunog sa House Technology Industries (HTI) sa Economic Processing Zone sa Cavite.

Sinabi ni remulla na sa pakikipag-ugnayan niya sa pamunuan ng Divine Grace Hospotal, ang nasawi kagabi ay hindi biktima ng sunog sa EPZA.

Humingi rin ng paumanhin si Remulla sa nangyari.

Aniya, nagkaroon ng “misinformation” at nang magsagawa siya ng validation ay saka lamang nalinawan ang detalye.

This website uses cookies.