Vote recount sa VP poll, posibleng tumagal ng anim na buwan

(Eagle News) — Posible umanong tumagal ng anim na buwan ang ginagawang vote recount sa vice presidential race ng 2016 elections.

Ayon sa Korte Suprema, na siya ring tumatayong Presidential Electoral Tribunal, nauna nang natapos ang recount sa 16 na bayan sa Camarines Sur.

Malaki ang posibilidad na mangailangan ng isang buwan o higit pa upang matapos ang recount kada probinsya at posibleng matapos ito sa Oktubre.

Ang magiging resulta ng unang bahagi ng recount ang kanilang magiging batayan kung itutuloy pa ang pagbibilang sa mga balota sa Iloilo at Negros Oriental.

Related Post

This website uses cookies.