(Eagle News) – Tataas ang visa application fee para sa South Korea simula ika-1 ng Enero, 2018.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, mula sa dating P2700 ay magiging P3,000 na ito.
Saklaw nito ang Employment Permit System Workers na nag-a-apply para sa e-9 visa.
Mangongolekta pa rin ang Government Placement Branch ng visa fee na P-2,700 hanggang December 28.
Lahat ng EPS worker na mag-susumite ng application simula December 29 ay kailangang magbayad ng P3,000.