UPDATE: Dalawang nawawalang mangingisda sa dagat ng Romblon, nailigtas na

ROMBLON, Philippines (Eagle News) – Nailigtas na ng mga tauhan ng Bantay Dagat ang dalawang mangingisda na naiulat na nawala noong Lunes, August 22 2016, matapos maabutan ng paglakas ng alon sa laot dulot ng habagat.

Nailigtas ang dalawang mangingisda na sina Roger Culas at Mario Baile sa dagat na nasasakupan ng Cabrador Island, Romblon. Sa kasalukuyan  ay naiuwi na sa kani-kanilang pamilya sa Barangay Alad Romblon, Romblon.

Courtesy: Renand Pastor – Romblon Correspondent

Related Post

This website uses cookies.