Umano’y Goldberg blueprint, nais paimbestigahan ng Kamara

(Eagle News) — Nais ng liderato ng Kamara na imbestigahan ang ulat ng umano’y plano ng US Government na patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, sa Enero balak simulan ang imbestigasyon. Disyembre 16 ang huling plenary session ng Kamara at sa Enero 16 naman ito muling magbubukas.

Ayon kay Alvarez, hindi maganda ang nasabing balita  at kailangang alamin aniya ang puno’t dulo nito.

Hindi rin aniya magandang ideya na isagawa ang nasabing hakbang, gayong patuloy na nakakatanggap na mataas na approval ratings sa sunod-sunod na survey.

Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Pangulong Duterte at Goldberg dahil sa pagpuna nito sa biro ng pangulo noong kasagsagan ng campaign election tungkol sa panghahalay at pagpatay sa isang Australian missionary.

Related Post

This website uses cookies.