Typhoon Yutu, hihina pa bago tumama sa bansa

(Eagle News) — Nananatiling nasa labas ng bansa at nasa karagatang pasipiko ang Typhoon Yutu.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huli itong namataan sa 2,120 kilometers east ng central Luzon.

Bahagya itong humina at taglay na lang ang lakas ng hanging aabot sa 180 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 220 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Ayon sa PAGASA, sa northern Luzon posibleng tumama ang bagyo o kaya ay sa central luzon area.

Mananatili ang typhoon intensity nito ngayong araw at bukas, pero hihina pa ang bagyo bago tuluyang tumama sa bansa dahil napapasukan ito ng malamig na hangin.

Ngayong araw, magiging maaliwalas ang lagay ng panahon sa buong bansa at tanging north-easterlies surface wind flow lamang ang umiiral sa northern Luzon area.

Posible namang ngayong araw o kaya ay early next week ay idedeklara na ng PAGASA ang pormal na pagsisimula ng hanging Amihan.

Related Post

This website uses cookies.