Tulong sa mga nasalanta, inihatid na ng DSWD

AURORA, Isabela (Eagle News) – Ayon kay Ginang Minerva Valdez, head ng DSWD ng Aurora, Isabela mahigit sa 1,684 katao ang na rescue ng mga kapulisan at mahigit limang daang pamilya naman mula sa mga low lying areas ng naturang bayan.

Sa kasalukuyan nagbibigay na ng tulong ang kawani ng lokal na Pamahalaan ng Aurora sa mga residente sa pangunguna ng DSWD. Maraming bata, matatanda ang nasagip ng rescue team sa pagbabadayang pagtaas ng ilog sa kanilang mga lugar nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 19. Ayon sa mga residente bandang alas 7:00 ng gabi ng sila ay ni-rescue.

Sa kasalukuyan naghahanda ng bumalik ang mga residente sa kanilang mga tahanan. Anila gusto nilang matiyak na maayos pa ang kanilang tahanan at ang mga alagang hayop.

April Valdez – EBC Correspondent, Aurora, Isabela

Related Post

This website uses cookies.