Tribong Manobo, lumagda sa kasunduan kaugnay ng pagbawi ng suporta sa mga rebeldeng NPA

(Eagle News) –Sa pamamagitan ng paglagda sa isang malaking tarpaulin sa mismong covered court ng Barangay Kabulanan sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao, pinatunayan ng mga Tribong Manobo na hindi na sila susuporta sa mga teroristang New People’s Army (NPA) na gumagala malapit sa kanilang sinasakang bukirin.

Ang kanilang ginawang paglagda ay nangangahulugan umanong itotodo na nila kooperasyon sa gobyerno bilang pagsupil sa kilusang pan-terorista sa bansa.

Ang higit walumpung katao na nagpakita na ng suporta sa mga programa ng gobyerno ay dating taga-sunod sa Guerilla Front 73 Committee ng NPA sa naturang bayan sa mahabang panahon.

Sinabi ni Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., Commander ng Arm Forces Western Mindanao Command na ang kanilang suporta ngayon sa gobyerno ay nagdulot ng malaking tulong sa focused military operation sa lugar , na naglalayong puksain na ang mga makakaliwang grupo na gusto lamang guluhin ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon.

Umaasa pa si Galvez na mamulat sa katotohanan ang iba pang mga tao na nalason sa mga maling turo ng mga teroristang grupo, dahil ginagamit lamang sila ng mga makakaliwang grupo para labanan ang gobyerno.

Eagle News Service Jun Cronico

Related Post

This website uses cookies.