Tourist arrivals sa Boracay, tumaas

(Eagle News) – Tumaas ang tourist arrivals sa Boracay nitong Marso kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong panahon. Ito ay kahit naka-amba na ang pagsasara sa nasabing isla para masolusyunan ang problemang kinakaharap nito na may kaugnayan sa kalinisan.

Sa tala ng Economic Enterprise Development Department ng Aklan Provincial Tourism Office, nasa kabuuang 172,358 na turista ang bumisita sa Boracay nitong nakaraang buwan. Mas mataas ito ng 7 percent kumpara noong Marso 2017.

Ang pagtaas sa tourist arrivals ay dahil sa cruise ships na bumisita sa Boracay. (Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.