TESDA regional director, natagpuang patay sa kaniyang kwarto sa Pagadian

Ni Ferdinand Libor
Eagle News Service

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle news) – Natagpuang patay ang regional director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Western Mindanao sa loob ng kaniyang inuupahang kwarto sa isang paaralan sa Pagadian City nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng otoridad ang namatay na si Engr. Edgar Sales, 59 taong gulang, residente sa Purok 4, Brgy. Carangan, Ozamis City.

Ayon sa driver nitong si Victor Barredo, natagpuan na niyang walang buhay si Sales sa loob ng kaniyang inuupahang kwarto sa Brgy. Balangasan.

Nagpasya umano siya na pumunta dito dahil nakatakda silang pumunta sa Dapitan City para sa isang year-end performance assessment.

Base sa imbestigation ng Pagadian-PNP wala namang indikasyon o sugat sa katawan ng biktima na sinadya itong pinatay.

Ayon sa pulisya, posibleng namatay si Sales dahil sa cardiac arrest.

Nag-request na rin umano sila sa Pagadian City Health Center na isailalim sa post-mortem examination ang biktima para malaman nila kung walang foul play.

Sa ngayon dinala na sa funeral homes ang biktima at nakatakdang dalhin ito sa bayan ng Kabacan sa Cotabato City. (Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.