Tanker truck na humarang sa kahabaan ng Tandang Sora Ave., naialis na

(Eagle News)– Matagumpay ng naialis ang isang tanker truck na mahigit sa isang oras rin humambalang sa  kahabaan ng Tandang Sora Avenue ngayong hapon, Mayo 28, dahilan sa pagbagal ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Ang tanker truck na may plakang RJK 329 ay humarang sa mga sasakyang palabas ng Mindanao Ave. at papasok naman sa Tandang Sora Ave.

Maghahatid sana ng gasolina sa isang pribadong kompanya ang truck ng masiraan ito ng makina.

Pinilit pa ng driver nito, na tumangging magpakilala na paandarin ang makina subalit tuluyan na itong nasira.

Agad namang dumating ang tulong ng mga otoridad at inaalam pa sa ngayon kung ano ang dahilan ng pagkasira ng makina ng truck.

Samantala, ang mga apektadong pasahero naman na sakay ng mga pampublikong sasakyan ay napilitan na lamang maglakad upang makarating sa kani-kanilang mga pupuntahan.

Sa mga oras na ito ay bumalik na muli sa normal ang daloy ng trapiko.

Binuksan na rin ang kahabaan ng Tandang Sora Ave. sa mga motorista.

(Report and Photos courtesy of Ian Jasper Ellazar, EBC Correspondent)

Related Post

This website uses cookies.