Sundalong kasama sa magsisilbi ng warrant, sugatan matapos manlaban ang mga suspek

PATIKUL, Sulu (Eagle News) – Nagsanib puwersa ang mga tauhan ng Public Safety Company ng Philippine National Police (PNP) sa Sulu at 45th Infantry Battalion para i-serve ang warrant of arrest laban kay Namil Ahajari alyas Gapas. Ihahain sana ang nasabing search warrant sa pinagtataguan ng suspek sa Brgy. Danag, Patikul, Sulu noong Miyerkules ng madaling araw, April 19.

Subalit pagdating ng mga awtoridad sa lugar ay bigla silang pinaputukan ng humigit kumulang 15 armadong lalaki. Gumanti rin ang mga awtoridad kaya nagkapalitan ng putok. Nasugatan si Cpl. Leffrey Maramag, Team Leader ng 45th Infantry Battalion. Nagtamo naman ng sugat ang isang Jah Abdul na kasama sa grupo ni Namil Ahajari. Nakatakas din ang target ng awtoridad na si Ahajari.

Naiwan sa lugar ang isang M-16 rifle, tatlong 45 caliber pistol, granada at mga drugs paraphernalia na ginagamit ng grupo sa kanilang operasyon sa lalawigan.

Ang mga nasugatan ay dinala agad sa ospital ng sundalo sa Sulu habang ang mga nabawing baril at drug paraphernalia ay dinala sa Sulu Provincial Police Office. Gagamiting ebidensiya ng PNP sa pagsampa ng kaso sa ibang kasama ni Ahajari.

Jun Cronico – EBC Correspondent, Patikul, Sulu

Related Post

This website uses cookies.