Sen. De Lima, nagpasaklolo sa Court of Appeals

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nagpasaklolo na sa Court of Appeals (CA) si Senadora Leila De Lima para mahinto ang pagdinig ng Department of Justice (DOJ) sa mga reklamong kriminal laban sa kanya kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa mahigit apatnapu’t-anim (46) pahinang petition for prohibition and certiorari na inihain ng Senadora noong Lunes (Enero 23), sinabi ni De Lima na walang hurisdiksyon ang DOJ sa mga kaso laban sa kanya.

Kaugnay nito, hiniling ni De Lima na magpalabas ng TRO o writ of preliminary injunction ang appellate court sa imbestigasyon ng DOJ habang dinidinig ang merito ng kaniyang petisyon.

Iginiit ng Senadora na tanging Office of the Ombudsman lang ang may hurisdiksyon sa mga kaso sa mga opisyal ng pamahalaan na sasalang sa paglilitis sa Sandiganbayan alinsunod sa batas.

Nagsasayang lang aniya ng panahon at resources ng pamahalaan ang DOJ sa pagiimbestiga sa kaso dahil isusumite din naman ng DOJ ang findings at rekomendasyon nito sa Ombudsman.

Tinukoy din ni De Lima na may bahid na ng pagdududa ang imbestigasyon ng DOJ dahil na-prejudged na nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso laban sa kanya.

Ang petisyon ni De Lima ay napunta kay CA Associate Justice Danton Bueser.

Related Post

This website uses cookies.