Sec. Diokno sa banta ni Rep. Andaya: ‘Sue me’

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — “Sue me.”

Ito ang naging tugon ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa banta ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na magsasampa siya ng kaso laban sa kaniya sa Korte Supreme kapag bigong maipatupad ang ika-apat na tranche ng salary increase para sa mga kawani ng gobyerno sa Enero 15.

Ayon kay Diokno, ang umento sa sahod ay nakapaloob sa panukalang 2019 National Budget na nakabinbin pa sa Kongreso.

Hindi aniya ito nakapaloob sa 2018 National Budget kung kaya wala pang legal na basehan para ito ay maipatupad.

“Since we are operating under the 2018 reenacted budget, then there’s no legal basis for us to pay,” pahayag ni Diokno.

“There’s no legal basis for adjusting the pay … You cannot force me to do something which is unconstitutional,” anang kalihim.

Tiniyak naman ni Diokno na ang pay hike ay magiging retroactive.

Matatandaang nitong Martes, nagbanta si Andaya na kakasuhan nito ang Kalihim sa Korte Suprema kapag hindi inilabas ng Department of Budget and Management ang pondo para sa dagdag umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno.

Related Post

This website uses cookies.