(Eagle News) — Posibleng umabot sa isang linggo ang paghihintay sa resulta ng mga pagsusuri sa pasyenteng itinakbo sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center na hininalang may meningococcemia.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang paghihintay sa paglabas ng resulta ay nagtatagal ng lima hanggang sa pitong araw.
Matatandaang pansamantalang ipinasara ng pamunuan ng ospital ang kanilang emergency room bilang bahagi ng safety procedure at infection control protocol.
Nanawagan naman ang kalihim sa publiko na umiwas muna sa matataong lugar, obserbahan ang paraan ng pag-ubo, uminom ng maraming tubig at magkaroon ng healthy diet at regular exercise upang makaiwas sa anumang uri ng sakit.