Reklamo laban sa hinihinalang ISIS-recruiter, ibinasura ng DOJ

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong paglabag sa batas laban sa Tunisian national na umano’y miyembro ng ISIS terrorist group.

Sa pitong pahinang resolusyon ng DOJ prosecution panel na pirmado ni Senior Asst. State Prosecutor Peter Ong, kawalan ng sapat na batayan o probable cause ang dahilan ng DOJ kung bakit ibinasura ang reklamo ng Philippine National Police (PNP) laban sa dayuhang si Fehmi Lassoued alyas Haytham Abdulhamid Yusof at sa live in partner nitong si Anabel Salipad.

Hindi tumugma ang reklamo ng mga pulis laban sa dalawa gaya ng nakasaad sa reklamo ng mga otoridad na nakakuha sila ng mga pampasabog sa tinutuluyang bahay nina Lassoued at Salipada.

Dinala rin muna ng mga pulis sa hallway ng tinutuluyang apartment ng dalawa bago aniya ang search operation sa loob ng kuwarto ni Lassoued at Salipada.

Una nang itinanggi noon ng mga respondent na may kaugnayan sila sa mga nakuhang ebidensiya laban sa kanila.

Kasama sa binigyan-diin ng panel sa pagbasura sa reklamo laban sa mag live-in partner ang magkakaibang ospital na pinagdalhan sa mga ito sa magkakaibang pagkakataon na patunay umano na inaresto sila sa magkaibang lugar at oras na iba sa nakasaad sa reklamo ng PNP.

Related Post

This website uses cookies.